^

Metro

Pakistani tiklo sa pekeng passport

-

Isang Pakistan national ang nakatakdang i-deport nang masabat ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ma­tapos na magtangkang pumuslit palabas sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) papun­tang South Korea gamit ang isang pekeng passport at resi­dence card kahapon.

Kinilala ni Immigration Com­missioner Marcelino Libanan ang dayuhan na si Ghulam Tayyab, 30. Siya ay nakatak­dang tumungo sa Seoul nang pigilin ng BI agents dahil sa dalang pekeng Malaysian pass­ port at Malaysian resi­dence card at nagpakilalang isang Ghulam Tayyab Bin Saleh.

Dahil dito, iniutos ni Libanan kay Ferdinand Sampol, BI-NAIA operations chief at miyembro ng Migrant Compliance Monitoring Group na imbestigahan ang nasa likod ng sindikato ng pagta-transport ng mga dayuhan gamit ang mga pekeng dokumento.

Napag-alaman sa imbesti­gasyon na nabili ni Tayyab ng halagang US$2,000 ang kan­yang pasaporte at residence card sa Malaysia bago siya nakatungtong sa Pilipinas.

Nadiskubre rin na may hawak si Tayyab na tatlong electronic tickets ng iba’t ibang airlines kung saan ang tatlong flights nito paalis ng Maynila ay sa loob lamang ng isang linggo.

Ang nasabing Pakistani ay nakatakdang ipatapon pabalik sa Pakistan at ilalagay ang pa­ngalan nito sa tala ng mga black­listed foreign national o illegal alien sa BI at hindi na pahi­hin­tulutang makatuntong pang muli sa Pilipinas. (Ellen Fernando)

BUREAU OF IMMIGRATION

ELLEN FERNANDO

FERDINAND SAMPOL

GHULAM TAYYAB

GHULAM TAYYAB BIN SALEH

IMMIGRATION COM

MARCELINO LIBANAN

MIGRANT COMPLIANCE MONITORING GROUP

NINOY AQUINO INTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with