^

Metro

2 airport police timbog sa extortion

-

Muli na namang umiskor ang mga tauhan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng Manila International Airport Authority matapos na mahuli sa akto ang dalawang Airport po­lice na nangongotong sa isang papaalis na pasahero sa isina­sagawang entrapment opera­tion sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport ka­hapon ng umaga.

Ayon kay Col. Rene Gon­zales, hepe ng IID na nasa ka­nilang kostudiya na at suma­sailalim sa pagsisiyasat ang dalawang airport police na hindi muna pinangalanan matapos na matiklo na nangingikil sa isang pa­sahero patungong Singapore.

Kasunod nito, nanawagan si MIAA General Manager Al Cusi sa publiko na i-report sa kan­yang tanggapan o maaaring mag-text sa 0917-TEXNAIA ang anumang uri ng reklamo sa mga airport employees na na­ngo­ngotong kapalit ng kanilang serbisyo sa pagpoproseso ng mga papers ng mga pasahero.

Base sa report, isang ba­baeng pasahero ang nagrek­lamo sa MIAA matapos na pi­giling makalabas ng bansa pa­tungong Singapore ng mga ahente ng Bureau og Immigra­tion noong Enero 26 dahil sa ka­kulangan ng supporting docu­ments patungong Singapore. Matapos ay nilapitan siya ng dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng jacket at sinabihan na tutulungan siya upang ma­iayos ang kanyang pag-alis at ma-iskedyul uli ang flight nito.

Bago umalis sa NAIA ang pa­sahero ay ibinigay ng dala­wang lalaki na napag-alamang kapwa miyembro ng Airport Police ang kanilang cellphone numbers at tinuruan pa siyang ire-book ang ticket nito sa ka­sunod na flight.

Nang ma-book kahapon (January 28) at naitakda ang alis nito ng alas-6:25 ng umaga, ipinagbigay-alam ng pasahero sa MIAA ang naturang transak­syon nito sa dalawang di-kilalang lalaki.

Dahil dito, isinagawa ang entrapment operation ng IID at binigyan ng marked money ang biktima mula sa halagang hini­hingi ng dalawang lalaki sa kanya. Nadakip ng IID opera­tives ang isa sa dalawang air­port police habang tinatanggap nito ang nasabing marked money.

Nang beripikahin ng MIAA kung sino ang nagmamay-ari ng dalawang contact numbers ng dalawang lalaki ay napag-alamang mula sa dalawang miyembro ng Airport Police Department. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AIRPORT

AIRPORT POLICE

AIRPORT POLICE DEPARTMENT

DALAWANG

ELLEN FERNANDO

GENERAL MANAGER AL CUSI

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with