Disease prevention isasama sa kurikulum sa elem. at high school
Bagama’t itinatanggi na ang pagkaubos ng mga doktor ang dahilan, isusulong ng ilang mga doktor at pamahalaang lungsod ng Maynila ang Project Heroes ( Health, Education, Reforms and Orders) na naglalayong isama sa curriculum ang disease prevention o pag-agap sa anumang uri ng sakit.
Sa ginawang pagkikipag ugnayan kay Manila Mayor Alfredo Lim na pinangunahan nina Dr. Anthony Leachon, cardiologist at Dr. Gina Nazareth, nephrologist, ang proyekto ay paraan upang hindi na mangailangan pang dalhin sa mga ospital ang mga bata na nangangailangan ng gamot.
Ayon kay Leachon, ituturo sa mga paaralan ang mga dapat gawin sa mga napapanahong sakit upang maiwasan ang paglala nito o pagkamatay.
Iginiit naman ni Lim na ang pagtuturo ay gagawin sa 32 public elemetary schools at 73 high schools. Aniya, may kasabihan na “ an ounce of prevention is more than an ounce of cure.”
Isasama ito sa Health and Science subject.
Dahil dito, ilulunsad sa Pebrero 14 ang “A Walk for Love” bilang pagsasabay sa selebrasyon ng Valentines Day at ang paglulunsad ng Project Heroes na para naman sa pagbabantay sa kalusugan ng bawat isa. (Doris Franche)
- Latest
- Trending