^

Metro

Motorista binalaan sa 'No Contact'

-

Binalaan kahapon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority ang lahat ng mga motorista na mahilig lumabag sa batas-trapiko dahil pagaganahin na ang “No Contact Policy” ng ahen­siya na inaprubahan kama­kailan lamang ng Metro Manila­ Council.

Ayon kay MMDA chairman Bayani Fernando, sa ilalim ng patakarang ito ay hindi na kinakailangan pang komprontahin nang personal ng mga traffic enfor­cers ang mga traffic violators.

Sa pamamagitan ng mga kuha sa CCTV camera na na­kalagay sa mga panguna­hing lansangan sa Kalak­hang Maynila, iisyuhan na lamang aniya ng official violation receipt ng lokal na pamahalaan at traffic violation receipt naman ng ahen­siya ang sinumang mga tsuper na lumabag sa trapiko.

Ayon pa kay Fernando, gagamitin bilang ebidensiya ng ahensiya sa pag-isyu ng ticket ang mga maire-record ng mga CCTV camera laban sa mga mahuhuling moto­rista. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

BAYANI FERNANDO

BINALAAN

FERNANDO

KALAK

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVE

NO CONTACT POLICY

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with