^

Metro

3 holdaper todas sa sagupaan

- Danilo Garcia -

Tatlong kilabot na hol­daper ang napaslang ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa isang ba­rilan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Dahil dito, umakyat na sa 17 ang bilang ng hinihi­na­lang mga holdaper, car­jacker at kidnapper na na­papaslang ng mga tauhan ng QCPD sa loob ng buwan ng Enero dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa krimen.

Patuloy namang binibe­repika ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit ang pagkakakilanlan sa napaslang na mga suspek na nakipagbarilan sa pulisya dakong alas-3:45 ng ma­daling-araw sa may kanto ng Commonwealth Avenue at Peria Road sa Brgy. Old Balara sa naturang lunsod.

Sa imbestigasyon, naba­tid na unang hinoldap at tinangayan ng motorsiklo ng mga suspek sina Mark Emmanuel, 29, at ang ang­kas nitong si Elisio Ditol sa kanto ng Commonwealth Avenue at Litex Road.

Agad na humingi ng tulong si Emmanuel sa mobile patrol QC-159 na noon ay nagpapatrulya sa nasa­bing lugar. Agad namang rumesponde ang mga ka­gawad ng Police Station 6 at Anti-Carnapping Unit sa pangunguna ni P/Insp. An­gelo Nicolas.

Namataan naman ng mga pulis ang Honda Wave na motorsiklo lulan ang tat­long suspek na tinangkang patigilin ng mga pulis. Sa halip na huminto, isa umano sa mga sakay nito ang tu­malon sa motorsiklo at na­ki­pagbarilan sa mga pulis sa may footbridge sa may Brgy. Old Balara habang nagpa­tuloy naman sa pag­takas ang dalawang kasa­mahan nito sa motorsiklo.

Nasawi ang naiwang suspek matapos na gumanti ng putok ang mga otoridad habang nagpatuloy ang paghabol sa dalawa pang suspek. Nasukol naman ang mga ito sa kanto ng Peria Road at Commonwealth Ave­nue kung saan kapwa na­sawi rin nang makipagba­rilan rin umano sa mga pulis.

Narekober ng pulisya buhat sa mga suspek ang isang kalibre .357 at dala­wang kalibre .38 paltik na ginamit umano ng mga ito sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Muli namang nagbabala si QCPD Director, Chief Supt. Magtanggol Gatdula sa mga kriminal na itigil na ang kanilang operasyon sa Quezon City dahil kama­tayan o kulungan ang kani­lang babagsakan sa patuloy na pagpapaigting nila ng seguridad.

ANTI-CARNAPPING UNIT

BRGY

CHIEF SUPT

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

OLD BALARA

PERIA ROAD

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with