^

Metro

Chop-chop victim, Torso, braso at binti nagkalat

-

Sa Maynla natagpuan ang isang torso at kaliwang braso ng isang lalaki habang sa dalawang lugar sa Quezon City naman natagpuan ang pinaniniwalaang kanyang kanang braso at mga binti kahapon ng umaga

Nabatid sa Manila Police District-Homicide Section na nagtungo rito si Chairwoman Milagros Faduga ng Barangay 586, Zone 57, Sta. Mesa, Maynila upang ireport ang na­tagpuang torso ng lalaki na nakasilid sa malaking kahon ng sigarilyo at nakabalot pa sa itim na trash bag. Iniwan ito sa madilim na bahagi ng Valejo at Santol Streets sa Sta. Mesa, Maynila ng umano’y pasahero ng isang Toyota Avanza na hindi naplakahan, dakong alas 2:30 ng madaling araw.

Nakakita sa kahon ang mga batang nagla­laro sa tambakan ng mga basura at isinum­bong sa mga matatanda sa lugar kaya ipinagbigay-alam sa barangay.

Nang tunguhin ni Chairman Faduga, nakita nila ang kahon na may lamang trash bag na tumutulo pa umano ang dugo at tumambad sa kanila ang torso ng lalaki na may kasamang isang braso.

Nalaman lamang na lalaki ang biktma dahil sa nakita ang ‘ari’ nito .

Iniimbestigahan pa ng MPD kung may kaugnayan din dito ang natagpuang braso at kanang binti sa 21st St., Cubao, Quezon City na nakasilid din sa trash bag na itim at nakakahon nang malaki na pinaniniwalaang iniwan ng isang lalaki na sakay ng isang owner-type jeep  habang alas-10 kahapon ng umaga ay natagpuan din ang kaliwang binti sa Payatas, sa naturang lunsod at nakasilid dn sa itim na trash bag.

Nabulabog ang mga residente matapos na matagpuan ang putul-putol na katawan ng hindi pa nakilalang bangkay sa isang tamba­kan ng basura sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Juancho Flores, imbesti­gador sa kaso, ang pinagputol-putol na kaliwang binti at kanang braso ng biktima ay natagpuan sa tambakan sa Payatas dumpsite sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Flores na bandang alas – 7:29 ng umaga nang madiskubre ng basurerong si Arnel Alipio ang nasabing bahagi ng pinutol na katawan ng tao.

Ang putol na braso at binti ng naturang bangkay ay nakabalot pa sa isang itim na cellophane sheet nang makuha ni Alipio habang nagkakalkal ito ng basura sa tambakan.

Base sa teorya ng mga awtoridad, ang nasabing piraso ng katawan ay pag-aari ng isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution.

Nabatid pa na ang naputol na bahagi ng katawan partikular na ang kamay ng bangkay ng lalaki ay may tattoo pa ng zodiac sign nitong Aquarius. (Ludy Bermudo at Joy Cantos)

ARNEL ALIPIO

CHAIRMAN FADUGA

CHAIRWOMAN MILAGROS FADUGA

ISANG

JOY CANTOS

JUANCHO FLORES

LALAKI

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with