AFP spy nagkalat sa campus
Kinondena kahapon ng mga militanteng grupo ng mga estudyante ang nagkalat na mga ahente ng Armed Forces of the Philippines sa mga kolehiyo at pamantasan sa Metro Manila.
Sinabi ng Tanggulan Youth Network for Human Rights and Civil Liberties na nauna nang inihain kamakalawa ng mga estudyante sa Higher Edu cation ang kanilang reklamo laban sa mga espiya ng militar.
Ayon sa isang ulat ng GMA News, sinabi ni Student Christian Movement of the Philippines Chairwoman Biyaya Quizon na ang ginagawa ng militar ay labag umano sa security, privacy, freedom of expression at freedom to organize ng mga estudyante.
Sinabi pa nila na ginigipit ng militar ang mga lider-estudyante sa pamamagitan ng akusasyon na meron umano silang kaugnayan sa Communist Party of the Philippines at National Democratic Front.
- Latest
- Trending