Nanghipo,arestado

Nadakip ang jeepney driver na si Dante Diaz, 35, makara­ang hipuan ang dalagi­tang si Annie, 13-anyos, kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Niyaya ng suspek ang biktima na sumakay sa dala nitong jeep at sa loob ay bigla na lang pinaghihipuan ng una ang huli sa masese­lang parte ng katawan nito. Agad naman na nag­paalam ang biktima na bababa na lamang ngunit bago tuluyang lumabas ng jeep ay binigyan ito ng P50 at sinabing huwag magsusumbong kanino man. (Lordeth Bonilla)

Bading binoga

Matapos pagnakawan ay pinatay pa ang umano’y bading na si Fernandito Quera, 48, matapos barilin sa ulo ng di pa nakikilalang suspek kamakalawa ng hapon sa Recto Avenue, Sampaloc, Maynila. Wala na umano ang mga mamahaling alahas at di pa mabatid na cash ng biktima nang halughugin ang kuwarto nito. Isasailalim din sa imbestigasyon ang live-in partner nito na nursing student na si Mark Antonio Milanez, 28. Naniniwala naman ang pulisya na kilala din ng biktima ang suspek dahil walang bakas ng forcible entry sa kuwarto nito. (Ludy Bermudo)

Driver grinipuhan

Agaw-buhay habang isinusulat ito ang taxi driver na si Jeffrey Mercado, 30, matapos pagsasaksakin ng mga estudyanteng sina Timothy de Luzuriaga, 21, at Pocholo Patawaran, 19, kapwa residente ng BF Homes Para­ñaque City kahapon ng madaling-araw. Sa im­bes­ti­gasyon ng pulisya, nagpahatid ang mga suspek sa The Fort Taguig at pinabalik sa Lopez Avenue, Makati City kung saan unang sumakay ang mga ito. Ngunit nang si­singi­lin na ng driver ang mga suspek ay nagalit pa ang mga ito hanggang sa maki­pagtalo ang biktima. Bunsod nito, agad na pinagsa­saksak ng mga suspek ang biktima at iniwan itong duguan. Ngunit agad naman na naaresto ang mga ito ng nagpapatrolyang pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments