^

Metro

Eroplano sumadsad

-

Isa na namang maliit na eroplano na may kar­gang mga isda ang su­madsad sa Ninoy Aquino International Airport nang bumagsak at pumalya ang dalawang gear nito at mag-emergency land­ing sa paliparan kahapon ng hapon.

Sa inisyal na report na tinanggap ni Manila In­ter­national Airport Authority General Manager Al Cusi, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa Runway 13/31 tapat ng NAIA terminal 3.

Ayon sa MIAA-Media Affairs Office, napilitang mag-emergency landing ang Baron 55 aircraft na may Registry number 1402. Habang papalapag ang eroplano ay nawalan ng kontrol ang piloto at tuluyang sumadsad ang Baron 55 sa runway nang pumalya at hindi naman magbukas ang harap na landing gear o unahang gulong nito.

Mabilis na nagres­ponde ang mga rescue team ng MIAA sa runway at sinaklolohan ang mga piloto na himala namang hindi nasaktan o nasuga­tan sa insidente. Dahil dito, naantala ang biyahe ng Philippine Airlines Express flight PR-071 patungong Ca­ticlan sa Aklan dahil sa pagbara ng nasabing sumadsad na eroplano sa runway.

Umabot lamang sa 28 minuto na bumara sa Run­way 13/31 ang ba­hag­yang nasirang erop­lano na pag-aari ng Aero­flight Aviation at hinila sa hangar upang hindi ma­kasagabal sa mga para­ting at paalis na flight. (Ellen Fernando at Butch Quejada)

AIRPORT AUTHORITY GENERAL MANAGER AL CUSI

AKLAN

AYON

BUTCH QUEJADA

ELLEN FERNANDO

MANILA IN

MEDIA AFFAIRS OFFICE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with