^

Metro

12-anyos hinalay ng kapitbahay at stepfather

-

Isang 12-anyos na batang babae na halinhinan umanong ginahasa ng isa niyang kapitbahay at ng kanyang madrasto o ama-amahan ang nailigtas ng Malabon Police sa isang operasyon sa Norzagaray, Bulacan.

Sinasabi sa naantalang ulat ka­hapon ng pulisya na nadakip sa ope­rasyon ang mga suspek na sina Rowel Lopez, 34-anyos, kapitbahay ng bik­tima; at Benito Peralta, 43, ama-amahan ng bata; kapwa residente ng Barangay Tañong, Malabon City.

Itinago naman sa alyas na Linda ang biktima na isang grade 4 pupil at sinasabi sa ulat na dinala ni Lopez sa Barangay Tigbe sa Norzagaray noong Enero 12 at doon pinagsamantalahan ng mga suspek.

Kahapon, nang malaman ng ina ng biktima kung nasaan ang kanyang anak ay agad na humingi ito ng tulong sa Malabon City Police na naging dahilan upang puntahan ang dalagita sa nabanggit na lalawigan.

Nasagip ang bata at nadakip si Lopez kung saan habang iniimbesti­gahan sa presinto ay sinabi ng biktima na hinalay din siya ni Peralta kaya inaresto at ikinulong din ito.

Sinabi rin ng biktima na sinimulan siyang halayin ni Peralta sa kanilang bahay noong October, 2008 at ang pinaka­huli ay nitong nakalipas na January 12, 2009 bago siya tangayin ni Lopez. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY TA

BARANGAY TIGBE

BENITO PERALTA

LOPEZ

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MALABON POLICE

NORZAGARAY

PERALTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with