^

Metro

Negosyante umangal sa ordinansa sa alak

-

Kinondena kahapon ng mga negosyanteng may-ari ng mga bar, restaurant, o nightclub ang isang panu­kalang ordinansa na mag­hi­higpit sa pagbebenta ng alak sa Parañaque City.

Sinabi ng mga negos­yante na isang uri ng pa­ sanin sa kanilang ne­gosyo ang naturang ordi­nansa na inakda ni Kon­sehal Enrico Golez na nag-oobliga sa kanila na kumuha muna ng special permit bago maka­pagtinda ng mga nakaka­lasing na inumin.

Bukod pa ang naturang special permit sa iba pang lokal na buwis na binaba­yaran ng mga negosyan­teng nasa Parañaque City.

Ipinagbabawal din ng panu­kalang ordinansa sa mga bar o night clubs ang pagti­tinda ng alak mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Kung nais ng mga club owners na magbenta ng alak sa kanilang establisi­miyento, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-12 lamang ng hatinggabi pahihintulutan ang mga ito at kailangang mag­bayad rin ang mga ito ng P50,000 para sa unang special permit­.

Kapag magtitinda na­man ng alak mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-3 ng madaling-araw, magbabayad ang mga ito ng karagdagang P75,000 para sa pangalawang special permit na ayon pa sa mga negosyante ay mis­tulang “panggigipit” sa kanila. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALAK

ALAS

BUKOD

ENRICO GOLEZ

IPINAGBABAWAL

KAPAG

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with