Pamangkin ginawang sex slave
Isang 36 anyos na mister na si Maximo Llano na matagal nang pinaghahanap dahil sa panggagahasa sa isa niyang pamangkin ang nadakip ng pulisya kahapon sa Caloocan City.
Bandang alas-5 ng umaga nadakip si Llano nang maisipan niyang bumalik sa kanyang bahay sa Villa Crystal, Bagumbong Dulo sa naturang lunsod.
Nabatid na ilang arrest warrant ang nakabimbin at naunang ipinalabas ng iba’t ibang korte sa lunsod laban sa suspek.
Umabot sa 29 counts of rape ang iniharap laban kay Llano ng kanyang pamangking itinago sa pangalang Rose, nasa hustong gulang.
Lumalabas na noong October, 2007, ginawang sex slave ng suspek ang biktima sa loob ng ka nilang bahay at nang malaman ni Llano na nagdemanda si Rose ay pansamantala itong nagtago.
Samantala, nadakip ng pulisya ang isang 12-anyos na binatilyong out-of-school-youth makaraan umanong dalawang beses na molestiyahin nito ang kanyang pamangkin na kinder garden pupil sa loob ng kanilang bahay sa magkaibang insidente sa Caloocan City na iniulat kahapon sa pulisya.
Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police at nakatakdang ilipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare ang suspek na si Ruel Alig ng 2nd Avenue ng nabanggit na lungsod matapos nitong molestiyahin ang pamangking itinago sa pangalang Lenlen, 8.
Sa nakalap na impormasyon sa tanggapan ng Women’s and Children’s Concerned Desk, dalawang ulit na dinaliri ng suspek ang biktima sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay sa magkaibang oras at taon. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending