^

Metro

Lim nanghingi ng elepante sa Thailand

-

Dahil na rin sa kakulangan ng elepante na magpapasaya sa mga namamasyal sa Manila Zoo, personal na nanghingi si Manila Mayor Alfredo Lim ng isa pang elepante sa Thailand Ambassador to the Philippines na si Kulkumut Singhara Na Ayudhaya.

Sa ginanap na salu-salo kamakalawa, sinabi ni  Lim na ang nag-iisang elepante na si Mali, 29, ay hindi sapat na makapagpasaya sa mga namamasyal lalo na ng mga bata sa Manila Zoo. Kasabay nito, nabatid na inatasan ni Lim si Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Garay­blas na sumulat din sa iba pang emba­hada para sa posibleng donasyon ng mga hayop sa Manila Zoo na makapagda­ragdag ng saya at environmental awareness ng mga residente at namamasyal dito.

Lumilitaw na ang Manila Zoo na may sukat na 5.5-hectare sa ilalim ng Public Parks & Recreation Bureau na pinamumunuan ni Engineer Deogracias Manimbo ay kasaluku­yang nangangalaga ng may 660 hayop kung saan 114 dito ay species.

Ayon kay Manimbo kailangan na madag­dagan ang mga hayop sa zoo upang mas dagsain pa ito ng mga turista. (Doris Franche)

vuukle comment

DORIS FRANCHE

ENGINEER DEOGRACIAS MANIMBO

KULKUMUT SINGHARA NA AYUDHAYA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA ZOO

PUBLIC PARKS

RAFAELITO GARAY

RECREATION BUREAU

THAILAND AMBASSADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with