^

Metro

VIP treatment kay Leviste pinabubusisi ng VACC

-

Nagsampa ng petisyon sa hukuman ang grupo ng Vo­lunteers Against Crime and Corruption (VACC) dahil sa pagdududa na pinagkaka­looban ng “VIP treatment” sa bilangguan si ex-Batangas Governor Jose Antonio Leviste.

Batay sa inihaing petisyon, hinihiling sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ni VACC founding chair Dante Jimenez na pahintulutan silang makapasok sa loob ng Makati City Jail upang makumpirma ang kalagayan ni Leviste kung ito nga ay hindi nagtatamasa ng tinatawag na “VIP treat­ ment” o espesyal na pag-trato sa selda 8 kung saan nakapiit ang dating gobernador.

Sa kabila nito, ipinagkibit-balikat at pinagtawanan naman ng mga opisyal ng Makati City Jail ang nasabing espekulasyon ni Jimenez dahil nananatili naman umanong nasa loob ng piitan si Leviste ka­sama ang 40 pang bilanggo.

Ayon pa sa mga opisyal na kahit cellphone at anumang gamit pang-komunikasyon ay hindi pinahihintulutang paga­mitin si Leviste sa loob ng kan­yang selda.

Matatandaan na nitong nakaraang Enero, 14, “guilty” ang ipinataw ng Makati RTC Branch 150 na hatol o 6-12 taon na pagkabilanggo kay Leviste dahil sa kaso nitong homicide kaugnay sa pagka­kapatay nito sa kanyang per­sonal aide at matalik na ka­ibigan na si Rafael delas Alas noong Enero, 2007.

Si Leviste ay agad na iki­nulong sa Makati City Jail sa selda 8 matapos na mahatulan ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

AGAINST CRIME AND CORRUPTION

BATANGAS GOVERNOR JOSE ANTONIO LEVISTE

DANTE JIMENEZ

ENERO

LEVISTE

MAKATI CITY JAIL

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SI LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with