Milyun-milyong pekeng DVDs at VCDs, nasamsam sa NAIA

Libu-libong piraso ng piniratang DVDs at VCDs na tinatayang nagkakahalaga ng milyun-milyon ang nakum­piska matapos na masabat ang isang shipment sa isina­gawang pagsalakay ng pi­nagsanib na puwersa ng Optical Media Board (OMB), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philip­pines (ISAFP), Naval Intel­ligence Security Group-NCR (NISG-NCR) at Intelligence and Investigation Department ng Manila International Airport Authority (IID-MIAA) sa bisi­nidad ng Ninoy Aquino Inter­national Airport kahapon.

Kinilala ni MIAA General Manager Al Cusi ang isa sa apat na naarestong suspect na may dala ng shipment na si Alimudin Imam , 31 , tubong Poblacion Lembatan, Marawi City.

Tatlo namang kasamahan ni Imam ang kasalukuyang tinutugis matapos na maka­takas sa naganap na sanda­ling habulan.

Ayon kay Cusi, nakum­piska ay ang may 40 kahon na may lamang libu-libong pekeng DVDs at VCDs na may naka-label na consignee at nakasakay sa isang Toyota Tamaraw FX na may plakang UBU- 266. Nakatakdang i-deliver sa Visayas at Minda­nao ang mga pirated DVDs at VCDs na umano’y nagmula sa Quaipo, Maynila.

Ang nasabing operasyon ng pinagsanib na operatiba ay base sa isang buwang sur­veillance at monitoring sa paki­kipagtulungan ng mga nasabing ahensya.

Base sa intelligence re­port, ang grupo ni Imam ay nag-ooperate mula alas-11 ng gabi ng Lunes hanggang Biyernes.

Ang mastermind sa sin­dikato na kinilala lamang sa alyas “Big Boss” ay nagla­lagay umano sa mga tiwaling cargo personnel na nakata­laga sa gate upang mapa­bilis ang proseso ng pag-deliver sa mga pirated DVDs at VCDs pasakay sa erop­lano pa­tungong Visayas at Min­danao.

Show comments