Inaalam ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng isang 26-anyos na obrerong pansamantalang pinigil sa barangay hall matapos mag wala dahil sa kalasingan sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Antonio Mabansag Jr., binata, construction worker, ng #242 San Sebastian St., Tondo subalit hindi na umabot nang buhay
Sa ulat ni Det Rick Mendoza ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8 ng umaga, kamakalawa nang datnan ni Anita Ma bansag, 52, ina ng biktima ang walang malay na anak sa loob ng tanggapan ng Brgy. 122, Zone 9, District 2, Tondo.
Naunang hinuli ng mga tanod ng nasabing barangay ang biktima noong Enero 17, bisperas ng Kapistahan ng Sto. Niño, bunga ng pagwawala at sobrang kalasingan
Nang dalawin kinabukasan ni Gng. Mabansag ay nakita itong walang malay at sinubukang gisingin hanggang sa itakbo sa ospital kung saan idineklarang dead on arrival. (Ludy Bermudo)