Isang 54 anyos na negosyanteng si Julius Santos ang pinagbabaril hanggang mapatay ng tatlo niyang kainuman sa loog ng Lovely junkshop sa Tunasan, Muntinlupa City kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang mga suspek na sina Pablito Devero, 36, mekaniko, residente ng 363 National Road sa Tunasan; pinsan nitong Alyas Dodoy at isang nakilala pa sa alyas na Toti. (Rose Tamayo-Tesoro)
Chit di binayaran
Inaresto ng pulisya si Ryan Peril nang ireklamo siya ng may-ari ng Nerisalem Videoke Bar sa MacArthur Highway, Karuhatan, Valenzuela City dahil sa pagkabigo niyang bayaran ang mga nainom niyang beer at token sa pagkanta niya sa videoke na nagkakahalaga ng P435 kahapon ng madaling-araw. (Lorderth Bonilla)
Bible week gugunitain
Ipagdiriwang sa bansa ang National Bible Week sa Enero 19-25 kung saan ang selebrasyong ito ay batay sa Presidential Proclamation 44 at 1067 upang magkaroon ng pagkakaisa at pagbabago sa buong bansa. Hinihikayat din ng Philippine Bible Society at ng mga katuwang nitong organisasyon ang mga simbahan, paaralan at mga ahensiya na makibahagi sa “May They Be One” bible campaign sa pamamagitan ng pagsali sa mga poster making, song and dance contest at bible reading marathons. Sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag kay Hazel Alviz sa 5245337/5246359 local 149.