GRO ban sa beauty contest

Hindi papayagan ang mga guest relation officer na makasali sa ta­unang patimpalak ng Miss Ca­loocan City.

Ito ang pinahayag ni Ro­salina Francisco, Tourism Operation Offi­cer, na nagsabi pa na hindi papayagang maka­sali ang mga GRO sa taunang patimpalak na inorganisa ni Mrs. Furi­fi­cacion Echiverri, asawa ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri.

Hindi rin papayagan na makasali sa beauty pageant ang mga may-anak na o may ka-live-in sa nasabing beauty pageant kung saan ang lahat ng aplikante ay nasa edad 18 hanggang 25 anyos at nakatapos ng high school.

Gaganapin ang screen­ing ng mga taga-District 2 sa Bulwagan Katipunan sa Caloocan City hall sa January 24 at 25 habang gaganapin naman sa January 31 at February 1 sa Barangay Hall ng Brgy. 176 sa Deparo ang mga taga-District 1.

Maaring tawagan ang tourism office sa 323-5173 o si Tanene sa 0921-7697190 para sa anumang katanungan hinggil sa Bb. Caloocan 2009. (Lordeth Bonilla)

Show comments