^

Metro

142 dayuhan ipinatapon

-

Para lumuwag ang sobrang sikip nang kulu­ngan ng Bureau of Im­migration sa Bicutan, Taguig, umabot sa 142 over­staying na dayuhan ang idineport ng BI noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag kaha­pon ni BI Commissioner Mar­celino Libanan na nag­sabing marami sa mga dayuhang pinatalsik palabas ng bansa ay ilang taon nang nakaku­long sa naturang piitan.

Ayon pa kay Libanan, 18 sa deportees ay ma­higit dalawang taong na­kakulong dahil sa kasong pagkabigong makakuha ng plane ticket o merong nakabimbing kaso sa korte sa Pilipinas. Ang iba naman ay may mga ka­song kriminal sa pinag­mulan nilang bansa ha­bang may mga dayuhang idineklarang undesirable alien. 

Pinuna pa ni Libanan na meron pang mga da­yuhan na ayaw bumalik sa kanilang sariling ban­sa at pinili pang manatili sa kulungan dahil sa pa­ni­ni­walang magtatagal sila rito at mabibigyan ng libreng pagkain at kan­lungan.

Idiniin niya na ang de­tention facility ng BI ay hindi dormitoryo para sa mga iligal na dayuhan kaya dapat nang mai­deport ang mga ito. (Butch Quejada)

AYON

BICUTAN

BUREAU OF IM

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MAR

IDINIIN

LIBANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with