^

Metro

Parusa sa mga corrupt na bumbero, itinaas

-

Nagpalabas ng babala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga opis­­yales at bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sangkot sa korapsyon kung saan mahaharap na ang mga ito sa mas mataas na parusa ma­tapos na aprubahan ang bagong Fire Code of the Philip­pines.

Sinabi ni DILG Undersec­retary for Public Safety Atty. Marius Corpus na sa ilalim ng bagong aprubang Republic Act 9514 na pumalit sa 31-anyos na lumang batas, papatawan ng kaparu­sahang pagkakulong ng hanggang anim na buwan hang­gang anim na taon at multang hindi hihigit sa P100,000 sa mga tauhan ng BFP masasangkot dito. Ito’y upang mapigilan ang mga napapaulat na insidente ng korapsyon sa BFP tulad ng pagtanggap ng suhol sa mga may-ari ng mga establisi­men­tong “fire hazards”, puwersa­hang pagbebenta ng fire extinguishers   at mga sangkot sa pangongotong.

Nakapaloob rin sa bagong Fire Code ngayon ang pagta­taas ng multa sa mga may-ari ng mga gusali na fire hazards mula P12,000 na ngayon ay P50,000; at multang P100,000 buhat sa dating P20,000 at pagkakulong ng hanggang anim na taon sa mga may-ari ng gusali na bigo na ituwid ang kanilang mga bayolasyon sa oras ng sunog bukod pa sa pagbabayad sa pamilya at mga biktima kung ang paglabag ay nagresulta sa pagkawala ng buhay o ari-arian. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO GARCIA

FIRE CODE

FIRE CODE OF THE PHILIP

MARIUS CORPUS

PUBLIC SAFETY ATTY

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with