^

Metro

Sekyu 2 beses na-hit-and-run sa Edsa

-

Patay ang isang secu­rity guard makaraang dala­wang beses na ma-hit and run ng rumaragasang kotse at masagasaan pa ng kasunod na trak sa EDSA underpass sa Cu­bao, ka­ hapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Renato Escuche Jr., 24, ng Julian Felipe St., Sa­ngan­daan, Caloocan City. Hindi na ito umabot ng buhay nang isugod sa East Avenue Medical Center.

Sa ulat ng Quezon City Traffic Sector 4, naganap ang aksidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Cubao-EDSA under­pass. Sakay ang bik­tima ng kanyang Suzuki motorsiklo (7986-NR) nang unang bumangga umano ito sa poste ng Metro Rail Transit (MRT).

Dito naman ito nabang­ga ng kasunod na kotse na kumaladkad sa kanyang motorsiklo. Hindi pa naka­karekober, isang rumara­gasang trak naman ang tuluyang kumitil sa buhay nito nang sagasaan at ka­ladkarin siya at ang motorsiklo.

Kapwa tumakas na­man ang mga driver ng dala­wang nabanggit na sasak­yan na hindi napla­kahan ng mga nakasaksi sa insi­dente. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CUBAO

DANILO GARCIA

DITO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JULIAN FELIPE ST.

METRO RAIL TRANSIT

QUEZON CITY TRAFFIC SECTOR

RENATO ESCUCHE JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with