Bebot tinodas ng live-in partner

Dalawang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 21-anyos na babae makaraang paslangin ito ng kanyang live-in partner dahil sa matinding selos, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktimang si Mary Grace Azarcon, residente   Park Avenue St., nabanggit na lung­sod ay nasawi dakong alas-6:02 ng gabi habang nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hos­pital bunga ng dalawang tama ng bala .38 kalibre ng baril sa ulo nito. Ang suspect naman na si Guillermo Osorio, 24, resi­dente rin ng nasabing lugar at live-in-partner ng biktima ay na­dakip matapos ang insidente.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Simon Respicio, may ha­ wak ng kaso, naganap ang pa­ma­maslang ng suspect sa bik­tima sa loob mismo ng tira­han ng una sa nabanggit na lugar.

Nabatid na bago ang insi­dente nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng nasawi at suspect. Sinasabing labis ng nag­hinala ang suspect sa umano’y pagkakahumaling ng biktima sa ibang lalaki na laging dahilan ng matindi nitong pagseselos.

Sa gitna umano ng maini­tang pagtatalo, kinuha ng sus­pect ang kanyang baril kung saan nagawa pa umanong maki­pambuno ng babae.

Wala namang nagawa ang babae nang itulak ito ng suspect saka pinaputukan ng dalawang beses sa ulo nito na naging dahilan ng agaran niyang pag­kasawi. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments