^

Metro

Ama, anak natusta sa sunog

- Ni Ludy Bermudo -

Magkayakap na natusta ang isang mag-ama nang ma­sunog ang kanilang inu­upa­hang apartment sa Bi­nondo Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jimmy Yu Sr., 40, at anak nitong si Jimmy Yu Jr., 11, ng #417 M Delos Santos St., Binondo na napag-ala­mang nabagsakan ng nagli­liyab na bahagi ng ka­nilang bahay, habang pa­palabas.

Nasugatan naman sa na­ganap na sunog ang misis ni Jimmy na si Arlene Yu, 30; Julio Yu, kapatid ni Jimmy, 42; at fire volunteer na si James Gan ng San Nicolas Central Fire Volunteer na kasalu­ku­yang ginagamot sa Metro­politan Hospital.   

Sa ulat ni Arson Investi­gator SFO2 Emmanuel Gaz­par, ng Bureau of Fire Ma­nagement, dakong 1:54 ng madaling-araw nang magsi­mula ang sunog sa ikalawang palapag ng dalawang gusali ng apartment na inuupahan ng pamilya Yu, na pag-aari ng isang Tony Yu.  

Mabilis umano ang pag­kalat ng apoy dahil sa halos yari sa kahoy ang apartment na mabilis ding kumalat sa iba pang kalapit na kabahayan.

Kabilang sa nadamay ang Go Kim Building at Oxford Warehouse sa Juan de Morio­nes St, Binondo.

Nabatid na una nang na­ilibas ng mag-asawang Yu ang tatlo nilang anak kabilang ang sanggol at binalikan umano ng kanyang mister ang 11-anyos na anak na lalaki na naiwan sa apartment. Subalit nasa hagdanan na umano ang mag-ama nang mabag­sakan ng nagliliyab na kahoy at tuluyan nang na-trap sa loob ng nasusunog na bahay.

Idineklarang fire-out ang sunog dakong alas-8:29 ng umaga na umabot sa ika-5 alarma. Tinatayang P1 milyon ang halaga ng ari-arian ang napinsala, habang nasa 150 pa­­milya ang nawalan ng tirahan.

Patuloy pa ang isinasa­gawang imbestigasyon upang matukoy kung ano ang sanhi ng sunog, na sa inisyal na pagt­aya ay dulot umano ng over­loading sa kuryente sa hinalang dulot ng mga naka-jumper o illegal connections sa lugar.

ARLENE YU

ARSON INVESTI

BINONDO

BUREAU OF FIRE MA

EMMANUEL GAZ

GO KIM BUILDING

JAMES GAN

JIMMY YU JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with