^

Metro

Kelot na naglaro ng saging, itinumba

-

Isang hindi pa nakilalang lalaki ang pinatay sa saksak matapos mangulit at pagla­ruan ang mga panindang saging ng ilang manininda sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Inilarawan lamang ang biktima sa edad 18 hang­gang 20 taong-gulang, ma­haba ang buhok, maputi, may taas na 5’1-5’3, at may tattoo na tatlong tuldok sa kanang braso.

Nanahimik naman ang mga tindero at tindera nang imbestigahan kung sino ang may kagagawan ng pana­naksak sa biktima.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:00 ng gabi nang makita na lamang na duguang nakabulagta ang biktima sa harapan ng Phi­lippine Textile Building, sa #992 Ylaya St., Tondo, May­nila. Siya ay isinugod sa Mary Jhonston Hospital su­balit idi­neklarang patay na.

Bago ang insidente, na­kita ng ilang saksi ang pag­lalaro ng biktima sa mga paninda ng ilang vendor kung saan ginagawa uma­nong trumpo ang saging na ikinalalamog nito.

Marami umano ang na­asar nang ayaw pasaway ang biktima na nangungulit sa mga dinaraanang pa­ninda.

Hinala ng imbestigador, nakulitan ang isa sa mga ven­dor kaya pinagsasak­sak ito subalit pinili na la­mang na manahimik ang na­­kasaksi sa pananaksak. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

HINALA

INILARAWAN

ISANG

JONATHAN BAUTISTA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JHONSTON HOSPITAL

SHY

TEXTILE BUILDING

YLAYA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with