Isa na namang anak ng mayamang angkan at medical student ng De La Salle University ang inaresto makaraang mabawi sa kanya ang ilang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng Embassy Bar sa Taguig City kamakalawa ng hatinggabi.
Batay sa ulat ni S/Supt. Camilo Cascolan, hepe ng Taguig City Police, kinilala ang suspek na si Greg Michael Tiu, 20-anyos.
Tinatayang alas-12:00 ng hatinggabi nang maaresto ang suspek sa loob ng Embassy Bar, Global City ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat, habang dumadaan sa proseso ng pagrerekisa, nakuha ng mga bouncer ng Embassy Bar mula kay Tiu ang isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang tumitimbang sa 5.2 gramo. (Rose Tamayo-Tesoro)