Masamang balita para sa publiko, dahil posibleng umabot ng hanggang apat na piso kada kilo ang itataas ng halaga ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Pebrero.
Ito ang nakikitang senaryo ng mga kompanya ng langis batay sa nangyaring trend ngayong linggo sa presyo ng krudo.
Ngayong Enero pa lamang umano ay $40 na ang itinaas sa contract price kaya’t hindi malayo ang na sabing pagtaas sa presyo ng LPG.
Maging si Energy Secretary Angelo Reyes ay una ng umaming posibleng dalawang piso ang idagdag sa presyo ng LPG sa susunod na buwan.
Samantala, ipinaliwanag naman ni LPGMA President Arnel Ty na ang assessment na apat na pisong pagtaas sa presyo ng LPG ay ibinalita sa kanya ng supplier ng LPG.
Samantala, sa kaugnay na balita, nagbanta ng tigil-pasada ang ilang transport group kapag hindi nagpatupad ng rollback sa produktong petrolyo ang mga oil companies. (Lordeth Bonilla)