^

Metro

P4 kada kilo pagtaas sa presyo ng LPG nakaamba

-

Masamang balita para sa publiko, dahil posibleng uma­bot ng hanggang apat na piso kada kilo ang itataas ng halaga ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Pebrero.

Ito ang nakikitang senaryo ng mga kompanya ng langis batay sa nangyaring trend ngayong linggo sa presyo ng krudo.

Ngayong Enero pa la­mang umano ay $40 na ang itinaas sa contract price kaya’t hindi malayo ang na­ sabing pagtaas sa presyo ng LPG.

Maging si Energy Secre­tary Angelo Reyes ay una ng umaming posibleng dala­wang piso ang idagdag sa presyo ng LPG sa susunod na buwan.

Samantala, ipinaliwanag naman ni LPGMA President Arnel Ty na ang assessment na apat na pisong pagtaas sa presyo ng LPG ay ibinalita sa kanya ng   supplier ng LPG.

Samantala, sa kaugnay na balita, nagbanta ng tigil-pa­sada ang ilang transport group kapag hindi nagpa­tupad ng rollback sa pro­duktong petrolyo ang mga oil companies. (Lordeth Bonilla)

ANGELO REYES

ENERGY SECRE

LORDETH BONILLA

MASAMANG

NGAYONG ENERO

PEBRERO

PRESIDENT ARNEL TY

SAMANTALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with