^

Metro

Trader niratrat ng 7 armado

-

Patay ang isang negosyante makaraang bistayin ng bala ng pito katao sa harapan ng kanilang tahanan kama­kalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang nasawi na si Jamael Salam, residente ng Royal Garden Villas Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos ratratin ng pitong hindi pa kilalang mga suspek.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya at sa salaysay ng kapatid ng biktima na nakilalang si Jamil Salam, dakong alas-11 ng gabi nang makita niya na hina­habol ng pitong kalalakihan na pawang armado ng baril ang kanyang kapatid. Papasok na umano ang bik­tima sa kanilang bahay subalit hindi na ito umabot pa dahil pinagbabaril na ito ng mga suspek at ng masiguro na wala na itong buhay ay mabilis na nagsitakas.

Dahil sa pangyayari ay agad na ipinag-utos ni Eastern Police District (EPD) Chief Supt. Lino Calingasan ang isang malawakang imbestigasyon para sa agarang paglutas ng kaso subalit sa ngayon ay wala pa rin itong linaw dahil ayon sa awtoridad ay ayaw umanong maki­pagtulungan ang mga ka­anak ng biktima kung ano ang maaaring motibo ng pama­maslang. (Edwin Balasa)

vuukle comment

CHIEF SUPT

DAHIL

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

JAMAEL SALAM

JAMIL SALAM

KINILALA

LINO CALINGASAN

PASIG CITY

ROYAL GARDEN VILLAS BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with