^

Metro

2 ex-ABB kinatay sa Bicutan jail

-

Kapwa patay ang dalawang bilanggo na dating miyembro ng Alex Boncayao Brigade (ABB) nang pagtulungang ataduhin ang mga ito ng saksak ng lima ring preso na sinasabing mga dating kasamahan rin ng mga una sa nasabing grupo, kamakalawa ng gabi sa loob ng Metro Manila District Jail sa Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang mga nasawing preso na sina Brandy Gerona, 28 at Rommel Gayeng, 38 na sinasabing mga dating “hard core” members ng ABB. Nabatid na sina Gerona at Gayeng ay kapwa nakulong at nahaharap sa patung-patong na kasong murder.

Batay sa ulat, pasado alas-11 ng gabi nang kapwa isinugod sa Pateros Hospital ang mga biktima subalit minalas na hindi na nagawang maisalba pa ng mga manggagamot ang kanilang buhay bunga ng maraming tama ng saksak na tinamo ng mga ito sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Nabatid na unang pinagtulungang saksakin ang mga biktima ng lima nilang mga kasamahan sa selda ng Dorm 43 sa intensive care cell ng Metro Manila District Jail gamit ang isang im­provised ice pick. Bunga nito, naging isang ma­laking palaisipan ngayon sa mga namamahala ng jail kung paano nakapasok ang armas sa Inten­sive Care ng piitan na ginamit sa pama­maslang sa mga biktima.

Sa kasalukuyan ay inaalam naman ng awto­ridad kung ano ang motibo ng mga suspect sa pama­maslang sa mga biktima kung saan dalawa sa anggulong tinitingnan ngayon ay ang pagiging dating miyembro ng ABB ng mga huli at ang pagkaroon ng unang iringan ni Gerona sa na­saging kakosa nito bago mangyari ang pama­maslang sa kanya at kay Gayeng. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALEX BONCAYAO BRIGADE

BRANDY GERONA

GAYENG

GERONA

METRO MANILA DISTRICT JAIL

NABATID

PATEROS HOSPITAL

ROMMEL GAYENG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with