Killer ng ex-MMDA personnel, tugis
Nanawagan kahapon ang kaanak ng napatay ng dating empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga awtoridad para madakip ang suspect na sinasabing pagala-gala lamang sa kanilang lugar sa Caloocan City.
Sa pahayag ng kaanak ng biktimang si Geofrey Baldisimo, 26 ng Block 1, Phase 33, Dagat-dagatan ng lungsod, madalas nang makita ang suspek na si Rodel Rubante, 28 at kalugar ng biktima na pagala-gala na sa kanilang lugar.
Sa rekord ng pulisya, noong December 21, 2006, ala-1 ng umaga nang pagsasaksakin ng suspek ang biktima sa kanilang lugar matapos ang isang pagtatalo nang sitahin ng nasawi ang suspect sa ginawang pambabastos sa kanyang kapatid.
Nakatakas ang suspek hanggang sa babaan ng warrant of arrest ni Judge Victoriano Cabangos ng RTC Branch 126 sa kasong homicide subalit hindi pa ito naaresto sa kabila ng pagala-gala lamang ito sa nasabing lugar. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending