^

Metro

Sa Parañaque shootout: 9 na pulis kakasuhan

-

Sasampahan ng ka­song kriminal at admi­nis­tratibo ang siyam na mi­yembro ng PNP- Highway Patrol Group (PNP-HPG) kaugnay ng mala­gim na Parañaque City shootout na ikinasawi ng 16 katao kabilang ang sampung mi­yembro ng Waray Waray/Ozamis City robbery gang at limang nadamay na si­bilyan noong Disyembre 5.

Ayon kay PNP-Internal Affairs Service (PNP- IAS) Chief P/ Director Jaime Tagaca, ito’y matapos na lumitaw sa resulta ng kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng kapabayaan at lumabag sa ‘Standard Operating Procedure’ ang mga operatiba.

“Because of these findings, I am recommending to the Chief PNP the filing of administrative case for neglect of duty and grave misconduct to the following members of the Highway Patrol Group (HPG), without prejudice to the filing of criminal charges”, paha­yag ni Tagaca.

Kabilang sa mga kaka­suhan ng kasong kriminal ay sina Chief Inspector Joel Mendoza, Chief Inspector Lawrence Cajipe, Inspector Gerardo Bala­tucan, PO3 Jolito Mama­nao Jr., PO3 Fernando Rey Gapuz, PO3 Eduardo Blanco, PO2 Edwin Santos at PO1 Josil Rey Lucena.

Nahaharap naman sa kasong administratibo sa paglabag sa karapatang pantao si PO1 Elybeer Cayaban.

Sinabi ni Tagaca hindi napigilan ng mga elemento ng HPG na may madamay na mga sibilyan na nasawi at nasugatan sa insidente.

“The participating elements were not able to cordon the area in that way preventing civilians from being involved”, anang opisyal sa ipinalabas na resulta ng imbestigasyon sa kaso.

Magugunita na nagka­roon ng umaatikabong shootout matapos na magpang-abot ang mga awtoridad at ang organi­sadong Waray-Waray /Ozamis robbery/holdup gang sa kahabaan ng Sampaguita Avenue, Uni­ted Parañaque Subdivision IV, West Service Road, Brgy. Marcelo Green sa nasabing lungsod .

Kabilang sa nasawing sibilyan ay ang mag-amang sina Alfredo de Vera at pitong taong gulang na anak nitong babae na si Leah Alyana.

Sa nasabing shootout ay napatay rin ang isang police commando na si PO1 Nixon Vinasoy ng PNP- Spe­ cial Action Force ha­bang nasa kritikal na kon­disyon pa rin ang na-comatose na si Supt. Eleuterio Gutierrez, hepe ng Task Force Limbas ng HPG na namuno sa ope­rasyon ma­tapos na mag­tamo ng ma­tinding tama ng bala sa ulo.

ACTION FORCE

CHIEF INSPECTOR JOEL MENDOZA

CHIEF INSPECTOR LAWRENCE CAJIPE

DIRECTOR JAIME TAGACA

EDUARDO BLANCO

EDWIN SANTOS

ELEUTERIO GUTIERREZ

ELYBEER CAYABAN

HIGHWAY PATROL GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with