^

Metro

1 pang LRT station sa Caloocan inaprub ni GMA

-

Pinuri kahapon ni Ca­loocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri si Pa­ngulong Gloria Ma­capagal Arroyo sa pag-apruba nito sa inihaing petisyon ng lungsod para magkaroon ng isa pang istasyon ng tren sa EDSA-Bagong Barrio bilang bahagi ng P6.322-billion Light Rail Transit (LRT) North Extension project o ang LRT-MRT Loop.

Ayon kay Echiverri, napapanahon ang pag­sang-ayon ni Pangulong Arroyo sa kahilingan ng lungsod upang magkaroon ng karagdagang istasyon dahil ito ang nakikitang pinakamabisang paraan ng mga taga-CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) para masolusyunan ang prob­lema sa transportas­yon at matinding overcrowding ng LRT-Monumento Central station.

“Lubos kaming natu­tuwa at sinang-ayunan ng Pangulo ang nagkaka­isang panawagan ng lung­sod, ng parehong pampu­bliko at pribadong sektor, lalo na ang 188 sama-sa­mang barangayan sa pa­ngunguna ni Liga ng mga Barangay president Rico­judge Echiverri,” aniya.

Panalo rito ang lahat ng commuters, higit ang mga taga-Bagong Barrio na itinuturing na isang Priority Development Area para sa mga proyekto at zonal improvement programs ng pamahalaang nasyunal, dagdag ng alkalde.

Sa pinakahuling kwen­ta ng Light Rail Transit Authority (LRTA), tina­tayang aabot sa P777 milyon ang halaga ng isang bagong LRT station.

Maso-solusyunan ng bagong istasyon ng LRT ang labis na pagsisiksikan ng mga pasahero sa Mo­numento station kasabay ang pag-aangat sa public mass transportation system na ito na environment-friendly pa, pahayag ng alkalde.

BAGONG BARRIO

CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

GLORIA MA

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MONUMENTO CENTRAL

NORTH EXTENSION

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with