^

Metro

Sugatang 'amasona' guwardiyado ng MPD

-

Isang umano’y amasona ang mahigpit na binabantayan sa isang ospital ng mga kaga­wad ng Manila Police District (MPD), matapos umanong ma­sugatan sa pakikipag-engkwentro sa mga sundalo, noong Enero 3, 2009.

Kinilala ni Supt. Jimmy Tiu, hepe ng MPD-Station 8, si Myra Bautista, 22 , dalaga, ng Bgy Malabag, Silang Cavite, na ginagamot sa Lourdes Hospital, sa Sta Mesa, sanhi ng tama ng bala sa tiyan.

Sa ulat, natamaan ng ligaw na bala si Bautista nang mag­kagulo ang mga nag-iinu­ mang kalalakihan sa kanilang lugar   sa pagitan ng ala-1:00-3:00 ng hapon noong Enero 3, 2009, sa Bgy. Malabag, Silang Cavite.

Sinabi ni Grace Labayo, pinsan ni Bautista, na matapos masugatan pinayuhan siya na isugod sa Lourdes Hospital ang pinsan mula Silang Cavite sakay ng isang Ford Fierra (UBE 771).

Subalit, taliwas ito sa na­tanggap na report ni Supt. Tiu mula kay Sr.Supt Primitivo Tavuara, RIID, Region 4- CALABARZON. Sinabi sa report na si Bautista ay kabilang umano sa mga nasugatan sa engkuwentro sa pagitan ng 418th PPMG at CTs/NPA sa Rodriguez, Rizal dakong alas- 12:55 ng madaling-araw noong Enero 3, 2009.

Bunga nito, mahigpit na pi­ nabantayan si Bautista sa mga kagawad ng MPD-station 8 upang hindi makatakas sa isa­sampang kaso. (Ludy Bermudo)

BAUTISTA

BGY MALABAG

ENERO

FORD FIERRA

GRACE LABAYO

JIMMY TIU

LOURDES HOSPITAL

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MYRA BAUTISTA

SILANG CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with