^

Metro

Nene patay sa sagasa

-

Maagang natapos ang buhay ng isang tatlong taong gulang na bata makaraang masagasaan ng isang pampasaherong jeep nang hindi napansin ng driver nito na nagmamaniobra ng sasakyan kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Hindi na umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Mena Christine Mamangan, residente ng #8 Matulid street, Barangay Kaunlaran, Cubao sa naturang lunsod.

Arestado naman ang driver na si Marvin Raymond Danzalan, 26 anyos, binata, at residente ng 201 Avilla street, Barangay Batis, San Juan City.

Sa ulat ng Quezon City Traffic Sector 4, naganap ang aksidente dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon sa kanto ng Matulid at Pinatubo street sa Cubao.

Nabatid na nagmama­niobra ng kanyang jeep (TXH-171) si Danzalan nang hindi mapansin ang batang si Mamangan.

Tuluyang napailalim at nasagasaan ng kanang gulong sa hulihan ng jeep ang bata.

Nakapiit ngayon sa Que­zon City detention cell ang suspek na nakatakdang sam­pahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY BATIS

BARANGAY KAUNLARAN

CUBAO

DANILO GARCIA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MARVIN RAYMOND DANZALAN

MATULID

MENA CHRISTINE MAMANGAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with