Umaabot sa 74 miyembro ng National Capital Region Police Office ang natanggal sa serbisyo habang may 15 naman ang na-demote sa kani-kanilang mga ranggo sa loob ng taong 2008 dahil sa samut-saring paglabag sa batas.
Batay sa taunang ulat ni NCRPO chief Director Leopoldo Bataoil, nakapagtala ang naturang tanggapan ng 74 pulis sa Metro Manila na dinismis sa tungkulin habang 15 naman ang na-demote, 57 ang na-suspinde at dalawa naman ang na-reprimand sa tungkulin.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng ilan sa mga tinanggal at na-demote ay ang absence without leave o AWOL at negligence in the performance of duty.
Sinabi pa ni Bataoil na isa namang opisyal ng Northern Police District na may ranggong P/Inspector ang na-dismis sa tungkulin dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Firearms.
Isang police superintendent naman at isang tauhan nito ang tinanggal sa trabaho dahil sa robbery at arbitrary detention. (Rose Tamayo-Tesoro)