Mas hinigpitan ngayon ng National Capital Region Police Office ang seguridad sa mga bus terminals sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagdagsaan ng mga pasahero buhat sa mahabang bakasyon sa mga probinsya.
Lumibot kahapon si NCRPO Chief Director Leopoldo Bataoil sa mga istasyon ng bus sa Quezon City kung saan inatasan si Quezon City Police District Chief Sr. Supt. Magtanggol Gatdula na dagdagan ang puwersa ng mga pulis na magbabantay sa mga terminal.
Bukod dito, inalerto rin ni Bataoil ang Southern Police District sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal sa Pasay at Parañaque City; Manila Police District at Northern Police District. (Danilo Garcia)