Inside job sinisilip

Inside job ang pangu­nahing tinitingnan ng Quezon City Police District matapos na pagnakawan ng mahigit sa P1.7 milyong halaga ng ala­has at electronic gadgets ang department store ng SM North­mall sa North Avenue, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Rogelio Basbas ng QCPD-Theft and Robbery Section, dakong alas-9 ng umaga nang madiskubre ng sales lady na si Luzviminda Padua ang pagkawala ng mga ma­mahaling relos sa tatlong istante ng “branded acces­sories section” ng department store sa unang palapag ng mall.

Nang isailalim sa imben­taryo, umaabot sa 163 piraso ng Lacoste na relo at 12 piraso ng digital camera ang natangay ng mga kawatan na umaabot sa higit P1.7 milyon.

Dinistrungka umano ng mga magnanakaw ang lock ng mga istante upang ma­tangay ang mga relo ha­bang ginamitan ng barena ang istante naman ng digital camera. (Danilo Garcia)

Show comments