^

Metro

2 biniktima ng killer highway

-

Dalawang buhay ang kinitil bilang pagsalubong sa Bagong Taon ng tina­guri­ang “killer highway” na Commonwealth Avenue sa Quezon City na ngayon ay isinailalim na sa “discipline zone” matapos na maitala ang dalawang banggaan kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang isa sa mga nasawi na si Gerry Cam­bal, 42-anyos, residente ng Barangay Payatas B, Que­zon City habang patuloy namang inaalam ang pag­kakakilanlan ng isang ba­baeng biktima.

Sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit-Sector 5, dakong alas-5 ng umaga nang ma­bangga si Cambal sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa kanto ng Litex Road ng isang Toyota Fortuner (ZED-548).

Agad na nasawi ang biktima dahil sa tinamong mga pinsala sa katawan habang mabilis namang naaresto ng mga pulis ang driver ng Fortuner na si Joseph Constantine Edgar Cruz, residente ng Brgy. San Nicolas, Pasig City.

Nauna rito, dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang mabangga ng isang rumaragasang Ka­wa­saki motorcycle ang isang matandang babae sa Commonwealth Avenue malapit naman sa panulu­kan ng IBP Road.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktima ngunit tuluyang nasawi na rin dahil sa ma­tinding pagkabagok ng ulo sa semento makaraang mabangga.

Hawak na rin naman ng pulisya ang driver ng motor­siklo na si Johnson Abapo, 25 anyos, ng Ba­rangay Commonwealth. (Danilo Garcia)

 

BAGONG TAON

BARANGAY PAYATAS B

COMMONWEALTH AVENUE

DANILO GARCIA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GERRY CAM

JOHNSON ABAPO

JOSEPH CONSTANTINE EDGAR CRUZ

LITEX ROAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with