Pagkumpuni sa Magallanes flyover minamadali

Minamadali ngayon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways ang pagkumpuni sa nadispormang bahagi ng Magallanes flyover upang ma­katugon sa panawagan ni Makati City Mayor Jejomar Binay na maayos ang tulay bago dumating ang araw ng Lunes, Enero 5.

Ayon sa alkalde, kailangang matapos kaagad ang pagkukumpuni sa tulay dahil ina­asahan sa Lunes ang higit pang pagsisikip ng daloy ng trapiko kapag nagsi­mula na ang araw ng pasukan.

Nadisporma ang kaliwang bahagi ng fly­over na patungo sa Pasay noong Martes ng umaga makaraang lumubog ang bearing ng tulay at kinakailangan pang gumamit ng me­cha­nical jack upang maibalik muli sa porma.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng DPWH na walang panganib na nakaamba sa pagkakadisporma ng tulay dahil ma­tatag naman ang pundasyon nito at ma­layo sa hinala na baka tuluyang bu­mag­sak. (Lordeth Bonilla)

Show comments