Pagkumpuni sa Magallanes flyover minamadali
Minamadali ngayon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways ang pagkumpuni sa nadispormang bahagi ng Magallanes flyover upang makatugon sa panawagan ni Makati City Mayor Jejomar Binay na maayos ang tulay bago dumating ang araw ng Lunes, Enero 5.
Ayon sa alkalde, kailangang matapos kaagad ang pagkukumpuni sa tulay dahil inaasahan sa Lunes ang higit pang pagsisikip ng daloy ng trapiko kapag nagsimula na ang araw ng pasukan.
Nadisporma ang kaliwang bahagi ng flyover na patungo sa Pasay noong Martes ng umaga makaraang lumubog ang bearing ng tulay at kinakailangan pang gumamit ng mechanical jack upang maibalik muli sa porma.
Tiniyak naman ng mga opisyal ng DPWH na walang panganib na nakaamba sa pagkakadisporma ng tulay dahil matatag naman ang pundasyon nito at malayo sa hinala na baka tuluyang bumagsak. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending