^

Metro

8,000 pulis at sundalo ikakalat

- Joy Cantos -

Aabot sa halos 8,000 pulis at sundalo ang ipa­pa­kalat kasabay ng mu­ling pagtataas sa heightened alert status ng National Capital Region Police nga­yong Sabado sa buong Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Director Leopoldo Bataoil, ginawa nila ang hakbang bunsod ng inaasahang pagbabalikan sa Metro Manila ng mga bakasyu­nista at mga estudyante matapos ang mahabang bakasyon.

Sinabi ni Bataoil na mag­papakalat siya ng 7,500 pulis sa iba’t ibang lugar na sentro ng trans­portasyon sa Metro Manila upang tiyakin ang segu­ridad ng mga negos­yante, empleyado, traba­hador, estudyante.

Kabilang sa mahigpit na babantayan ay ang Light Rail Transit, Metro Rail Tran­sit stations, pier, pali­paran at maging ang mga istratehikong lugar na pa­pasok sa Metro Manila tulad ng Southern Luzon Expressway at Northern Luzon Expressway ga­yun­din ang mga shopping malls.

Ayon kay Bataoil, ina­lerto na niya ang mga limang District Directors sa Metro Manila upang mag­pa­tupad ng security measures sa kanilang mga hurisdiksyon.

Inaasahan rin ng pulisya ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lahat ng daan pa­pasok sa Metro Manila kaya naka­alerto ang ka­pulisan.

vuukle comment

AYON

BATAOIL

CHIEF DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

DISTRICT DIRECTORS

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO

METRO MANILA

METRO RAIL TRAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with