Wanted na parak di pa lumulutang

Hindi pa lumulutang ang pulis na bumaril at naka­patay sa kapwa nito pulis sa Caloocan City .

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si PO3 Hector Dela Cruz, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Northern Police District.

Namatay habang ginagamot sa Martinez Memorial Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanan sen­tido at dibdib si PO3 Enrique Trinidad, 36, naka­talaga sa Caloocan City Police.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente kung saan dahil magkalugar ay halos magpinsan kung mag­turingan sina Trinidad at dela Cruz. (Lordeth Bonilla)

Show comments