^

Metro

Patay na balyena natagpuan

-

Isang balyena o “Min­kle Whale” ang natagpu­ang patay sa may Pier   13, kamakalawa ng hapon, sa South Harbor, Maynila.

Sa paglalarawan, ka­ singlaki umano ng dala­wang sports utility vehicle (SUV) ang natagpuang balyena na nakalutang malapit sa breakwater sa, Pier 13 ng South Harbor.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), isang hindi nagpakilalang crew ng Super Ferry na M/V Our Lady of Good Voyage ang nakapansin sa bal­ yena kaya ipinag­bigay-alam sa kanilang tang­gapan. Ipinarating na rin ng PCG kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) di­ rector Malcom Sarmiento ang insidente na umano’y nag-utos na isa­ilalim sa awtopisya ang babaeng balyena upang matukoy ang dahilan ng pagka­matay nito.

Nabatid na may isang araw nang patay ang balyena at inihaon din kamakalawa upang hindi na makasama sa kalusu­gan ng tao sa oras na ma­bulok ito sa tubig. Posible umanong kaya umibabaw sa karagatan at napad­pad sa Pilipinas ang bal­yena ay upang magha­nap ng makakain, nagha­hanap ng magiging lugar kung saan ito magpapa­galing ng sugat o kaya bunga na rin ng pagba­bago ng klima, kaya ito umalis sa ilalim ng tubig. (Ludy Bermudo)

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

IPINARATING

ISANG

LUDY BERMUDO

MALCOM SARMIENTO

PHILIPPINE COAST GUARD

SHY

SOUTH HARBOR

SUPER FERRY

V OUR LADY OF GOOD VOYAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with