Tinatayang milyong halaga ng iligal na mga paputok ang nasamsam sa isinagawang sorpresang inspeksiyon ng pulisya sa mga pamilihan, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Nabatid na hindi lamang ang mga iligal na paputok ang kinumpiska ng pulisya kundi pati na rin ang mga paputok na itinitinda sa mga bangketa at delikadong lugar.
Bunga naman ng nasabing hakbang, nagkaroon ng tensiyon at girian sa pagitan ng operatiba at mga vendors nang pilit na kinumpiska ng mga una ang mga hindi ipinagbabawal na paputok na nasa delikadong lugar itinitinda.
Bukod pa rito, mas uminit ang tensiyon makaraang pati mga nakahambalang na mga vendors sa mga sidewalks na nagpapasikip sa mga lansangan ng Pasay City ay pinangtataboy rin ng operatiba kung saan maging ang kanilang mga itinirik na iligal na mga pwesto ay giniba rin ng mga huli. (Rose Tamayo-Tesoro)