^

Metro

100 kilo ng hot meat nasabat

-

Muling nagbabala ang National Meat Ins­pection Service (NMIS) ng Department of Agri­culture sa pagkalat ng mga hot meat sa mga pa­milihan ngayong Bagong Taon matapos na ma­sabat ang may 100 kilo ng mga ulo ng baboy na walang kaukulang pape­les, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sinabi ni NMIS-Metro Manila officer in charge Eduardo Oblena na ma­tagal na nilang sinusu­baybayan ang galaw ng nasakote nilang grupo matapos na makatang­gap ng impormasyon sa “gerilya type” nitong trans­portasyon ng karne.

Una umanong isina-sa­kay ang mga iligal na karne sa isang Fiera type na van at inililipat sa arki­ladong taxi upang ibiyahe naman patungo sa May­nila. Sinabi ng mga tauhan ng NMIS na ma­sangsang na umano ang amoy ng mga karne.

Nabatid pa na dinok­tor ang papeles na dala ng may-ari ng mga karne na si Solita Marola kung saan pinalabas na 10 ang isang baboy na kinatay at nabigyan ng inspection certificate upang maka­pag­biyahe ng mas ma­raming karne.

Sinabi naman ni Ma­sola na half cooked‚ na umano ang mga karne kaya may amoy at dadal­hin nila sa Blumentritt upang ibagsak sa ka­nilang mga kliyente. (Danilo Garcia)

BAGONG TAON

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF AGRI

EDUARDO OBLENA

METRO MANILA

NATIONAL MEAT INS

QUEZON CITY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with