Mister lasog sa van

Patay ang isang mister ma­karaang mapitpit ang ka­tawan nito nang mabundol ng isang rumaragasang sasak­yan habang tumawid ang una sa isang center island, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktimang si Marlon Dionisio, 28, residente #281-2nd St., Pildera-2 ng nabang­git na lungsod ay nasawi bunga ng pagkakalasog ng kanyang mga buto sa kata­wan at pagkabasag ng bungo.

Ang suspect naman na si Roberto Reyes, 41, driver ng Hyundai Grace Van na may plakang XAT-192 at residente #163 Duhat St., Bocaue, Bula­can ay kasalukuyang naha­ha­­rap sa kasong reck­less im­pru­dence resulting to homicide.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Alberto Ignacio, Traffic Enforcement Unit, dakong alas-10 ng gabi nang ma­ganap ang nasabing insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Avenue, Pasay City.

Nabatid na ang biktima ay nagmula sa madilim na ba­hagi ng center island ng Pil­dera-2 kung saan bigla itong tumawid at dahil hindi agad napuna ng driver ng rumara­gasang van na nagmula naman sa bahagi ng Sucat, patungong Manila ay na­tumbok ang una dahilan upang masawi ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments