Empleyada ng bangko, nagbigti
Pinaniniwalaang depresyon ang sanhi ng pagbibigti na ikinasawi ng isang babaeng empleyado ng bangko, matapos itong sumailalim sa surgical operation sa kanyang gall bladder sa Sta Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.
Patay na nang isugod sa Lourdes Hospital ang biktimang si Digna Cuevas Santos, empleyado ng Bank of the Philippine Island (BPI) ng Bataan St., Bacood Sta Mesa, Maynila.
Sa ulat ni Det. Ricardo Mendoza, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng kanyang tahanan.
Ayon kay Mendoza, nagising ang mister ng biktima na si Rolando Santos nang makarinig ng kalabog at nasorpresa sa nakitang nakahandusay sa sahig ng kanilang kuwarto, habang may nakataling sinturon na kulay itim sa kanyang leeg.
Hindi umano nakayanan ng malaking pako ang itinaling sinturon kaya lumagapak sa sahig ang nagbigting biktima.
Sinabi rin ng hipag ng biktima na si Ofelia Santos na hindi umano nakakatulog ang huli simula nang lumabas ito ng pagamutan matapos operahan.
Bukod umano sa biktima, naospital din ang mister nitong si Rolando bunga ng hypertension dahil sa pag-aalala sa misis na ooperahan sa gall bladder.
Inaalam din ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending