Divisoria sinalakay
December 29, 2008 | 12:00am
Sinalakay kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District ang ilang mga tindahan ng ipinagbabawal na paputok at laruang baril sa Divisoria, Manila at kinumpiska ang mga kalakal na ito.
Tinatayang P500,000 ang halaga ng mga nakumpiskang paputok at replica ng baril.
Kabilang sa kinumpiska sa ilang tindahan sa Tabora, Sta. Elena at sa paligid ng Divisoria Mall ang piccolo, 5-star, Kingkong at pla-pla.
Isinama din ang mga toy gun na replica ng tunay na baril na matagal nang ipinagbabawal ng pulisya. (Ludy Bermudo)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended