^

Metro

Misis at kalaguyo sabit sa pagpatay kay mister

-

Isang 46-anyos na ginang at isa niyang 27 anyos na driver ang inaresto kamakalawa ng pulisya sa Valenzuela City dahil sa pagkakasangkot umano sa pamamaslang sa isang negosyanteng asawa ng una.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Senior Supt. Ranier Idio ang mga suspek na sina Janet Ane ng Doña Marciana Subdivision, Sitio Sulok, Ugong ng naturang lunsod at ang driver nitong si Danilo Salvid.

“Nang puntahan namin si Salvid, tumindi ang hinala namin na may kinalaman ito sa pagkamatay ng biktimang si Antonio Ane lalo na nang makita namin sa screen saver ng kanyang cellphone na nakahilig sa kanya ang kanyang among babae,” sabi ni Idio.

Ayon pa sa opisyal, sa isinagawa nilang imbes­tigasyon sa asawa ng biktima ay nagduda rin sila sa pahayag at ikinikilos nito dahilan upang magpositibo ang hinala nilang sangkot ang mga ito sa pagpatay sa biktima lalo na nang aminin mismo ni Salvid na ibinili siya ng ginang ng Iberet na sasakyan.

Dahil dito, tumindi ang hinala ng pulisya na posib­leng love triangle ang tunay na ugat upang patayin ang biktima.

Araw ng Pasko, ganap na alas-12 ng hating­gabi nang pagbabarilin ng dalawang hindi mabatid na suspek ang biktima sa harap ng kanyang bahay. Kinuha pa ng mga salarin ang pera nitong cash na halagang P50,000. (Ricky Tulipat)

ANTONIO ANE

DANILO SALVID

JANET ANE

MARCIANA SUBDIVISION

RANIER IDIO

RICKY TULIPAT

SALVID

SITIO SULOK

VALENZUELA CITY

VALENZUELA POLICE CHIEF SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with