Isang 31-anyos na traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority na si Allan Lacaba ang sinaksak bago ninakawan ng motorsiklo ng dalawang hindi pa nakikilalang lalake sa Samson Road, Caloocan City kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan pa sa Manila Central University Hospital habang isinusulat ito ang biktima. (Lordeth Bonilla)